^

PSN Palaro

Palami humanga sa laro ng Azkals vs Indons

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

HANOI – Ito na ang pi­na­­kamagandang inilaro ng Philippine Azkals matapos noong 2010.

Sa loob ng 90 minuto, ipinakita ng Azkals ang kanilang dominasyon laban sa Indonesia para kunin ang 4-0 panalo at makapasok sa semifinal round ng 2014 AFF Suzuki Cup.

Ito ang unang panalo ng mga Pinoy booters sa mga Indons sa halos 80 taon.

“Sometimes it makes it ask: We’re we really that good or were they just that bad? But then if you look at how we played the ball, the possession with 81 percent accuracy based on stats on passing, I think that was the best game I’ve seen the Azkals play ever since I took over management in 2010,” sabi ni team ma­nager Dan Palami.

Sa pagtanggap sa ka­nilang mga papel, nakamit ng Azkals ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Group A para umabante sa semis anuman ang maging resulta ng kanilang laro ng host Vietnam sa Biyernes.

Noong 2010 ay ginimbal ng Azkals, ang Vietnam, 2-0, patungo sa semis ng AFF Suzuki Cup.

Ang naturang pagka­pa­hiya ang inaasahang ga­­gamitin ng Vietnam para makaganti sa Azkals sa kanilang muling pagkikita sa Biyernes.

Tinalo ng mga Vietna­mese ang Laos, 3-0, kasunod ang kanilang 2-2 draw sa Indonesia.

AZKALS

BIYERNES

DAN PALAMI

GROUP A

INDONS

PHILIPPINE AZKALS

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with