^

PSN Palaro

Coveta nag-ambag ng ginto sa Team Ph PHUKET

Pilipino Star Ngayon

PHUKET, Thailand--Si­nik­wat ni windsurfer Geylord Coveta ang pa­ngatlong gintong medalya ng Pilipinas sa 4th Asian Beach Games.

Ito ay makaraang mag­poste si Coveta ng 14 points matapos ang walong karera na tinampukan ng kanyang panalo sa final lap ng men’s RS: One event sa Karon Central Beach.

Bumalikwas ang world champion ng Mabini, Batangas mula sa kanyang sixth-place finish sa nakaraang Incheon Asian Games sa kanyang paglahok sa men’s mistral at hindi sa kanyang paboritong event.

Kinuha ni Natthaphong Phonoppharat ng Thailand ang silver medal sa kanyang 19 points kasunod ang 20 points ni Li Tao ng China para sa bronze medal sa event na paliitan ng iskor.

Tumapos naman si Yancy Kaibigan, nakasabay ni Coveta sa pagsasanay sa Anilao, Batangas, sa pang-pito sa kabuuang 12 lahok sa kanyang 41 points.

Pumuwesto sa ika-lima sa opening race, pinamunuan ni Coveta ang tatlong karera at tatlong beses pumangatlo para talunin sina Phonoppharat at Li.

Tumaas sa No. 11 ang Team Philippines sa overall standings mula sa pagiging No. 13 mula sa nakolektang 3 gold, 1 silver at 4 bronze medals.

“He’s (Coveta) a world-class athlete and I never doubted his ability to perform at the top of his game here,’’ sabi ni Philippine chief of mission Richard Gomez.

Patuloy ang pagban­dera ng Thailand sa nai­talang 33 gold medals, 24 silvers at 26 bronze medals kasunod ang China (14-7 16) at Japan (6-3-5).

 

ASIAN BEACH GAMES

BATANGAS

COVETA

GEYLORD COVETA

INCHEON ASIAN GAMES

KARON CENTRAL BEACH

LI TAO

NATTHAPHONG PHONOPPHARAT

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with