^

PSN Palaro

Bryant humataw sa Lakers

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA – Minsan lamang magdiwang si Kobe Bryant at ang Los Angeles Lakers.

At hindi na nila pinaka­walan ang nasabing pagkakataon.

Tumipa si Bryant ng 28 points at inilista ng Lakers ang kanilang ikalawang panalo matapos igupo ang Atlanta Hawks, 114-109, noong Martes ng gabi.

Ang locker room na napuno ng kalungkutan ay biglang umingay.

Ang pinakama­hala­gang  tirang isinalpak ni  Bryant ­ay nangyari sa hu­ling 1:11 minuto nang umiskor siya ng isang fadeaway jumper laban kay Thabo Sefolosha at nakakuha ng foul.

Nakipag-appear si  Bryant sa isang fan sa front row at  kinumpleto ang kan­yang three-point play na nagbigay sa Lakers ng 108-102 abante.

Nag-ambag si Carlos Boozer ng 20 points para sa Lakers, habang may 17 si Nick Young, nagmula sa thumb injury, sa kanyang unang laro sa season.

Nagkaroon ang Hawks ng tsansang makahirit ng overtime ngunit pinigilan ng Lakers ang long-range attempt ni Kyle Korver kung saan nito ipinasa ang bola kay Pero Antic.

Lumabas sa rim ang tres ni Antic at nakipag-agawan ang Lakers sa loose ball para selyuhan ang kanilang panalo.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Milwaukee ang New York, 117-113; pinatumba ng Utah ang Oklahoma, 98-81; at dinaig ng New Orleans ang Sacramento, 106-100.

ATLANTA HAWKS

BRYANT

CARLOS BOOZER

KOBE BRYANT

KYLE KORVER

LOS ANGELES LAKERS

NEW ORLEANS

NEW YORK

NICK YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->