^

PSN Palaro

Rosario sabik nang makalaro si Iverson

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang malaking kara­ngalan para kay Jeth Troy Rosario ng UAAP cham­pions na NU Bulldogs ang makasama si NBA great Allen Iverson sa hardcourt.

“Sobrang excited kasi minsan lang ito mangyari. Once in a lifetime lang ito na makasama mo yung napapanood mo lang dati,” sabi kahapon ni Rosario sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate kasama si PCWorx managing director Michael Angelo Chua.

Makakasama ni Rosario ang 6-foot superstar guard ng Philadelphia 76ers, sa PCWorx’s ‘All In’ charity basketball event na nakatakda sa Nobyembre. 5 sa Mall of Asia Arena.

Si Rosario ay bahagi ng Team PCWorx ni coach Tim Cone na lalaban sa Team Gawad Kalinga na hahawakan ni Iverson sa isang one-game charity event.

Bukod kay Rosario, ang iba pang nasa Team PCWorx ay si UAAP MVP Kiefer Ravena at kapatid na si Thirdy Ravena, sina college stars Almond Vosotros, Mark Belo, Javee Mocon, Ola Adeogun, Jaymar Pe­rez at dating PBA aces na sina Jerry Codiñera, Marlou Aquino at Willie Miller.

Ang koponan ni Iverson ay binubuo ng mga Ball Up Streetball All-Stars.

Inamin ni Rosario, na­ging susi sa unang UAAP title ng Bulldogs matapos ang 60 taon kontra sa Far Eastern University Tamaraws sa kanilang sudden-death match, na hindi siya tagahanga ng 39-anyos na si Iverson na hinirang na NBA MVP noong 2001.

Ngunit nasasabik ang NU stalwart na makasama ang dating Georgetown star sa event na para sa Gawad Kalinga.

ALL IN

ALLEN IVERSON

ALMOND VOSOTROS

BALL UP STREETBALL ALL-STARS

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

GAWAD KALINGA

IVERSON

JAVEE MOCON

JAYMAR PE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with