^

PSN Palaro

Heat tinakasan ang Spurs sa OT

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO – Umiskor si rookie Shabazz Na­pier ng 25 points, kasama rito ang apat na free throws sa huling minuto ng laro, para pangunahan ang Mia­mi Heat sa 111-108 overtime victory laban sa Spurs.

Ito ang unang paghaha­rap ng Miami at San Antonio matapos talunin ng Spurs ang Heat sa nakaraang NBA Finals.

Nagtala si Tyler Johnson ng 17 points, habang may 16 si  Andre Dawkins at  tig-11 sina Danny Gran­ger at Mario Chalmers para sa Miami (2-4).

Tumipa naman si Marco Belinelli ng 18 puntos at may 17 si Kyle Anderson para  banderahan ang Spurs.

Nag-ambag naman sina JaMychal Green at Tim Duncan ng tig-11 puntos.

Sa Atlanta, kumamada si Andre Drummond ng 19 points at 14 rebounds para tulungan ang Detroit Pistons sa 104-100 panalo laban sa Atlanta Hawks sa isang exhibition game.

Nagdagdag si Brandon Jennings ng 16 points at 11 assists para sa Detroit (4-2), habang may 15 si Kyle Singler at tig-14 sina Josh Smith at D.J. Augustin.

Pinamunuan ni Jeff Tea­gue ang Hawks (2-3) sa kanyang 16 points at 10 assists.

Sa Indianapolis, buma­ngon ang Pacers mula sa 14-point deficit sa fourth quarter para talunin ang Dallas Mavericks, 98-93.

Sa huling 31 segundo ay naagaw ng Indiana ang kalamangan para talunin ang Dallas.

Binura ng Pacers ang naturang double-digit deficit sa pamamagitan ng 18-3 ratsada para balikan ang Mavericks.

ANDRE DAWKINS

ATLANTA HAWKS

BRANDON JENNINGS

DALLAS MAVERICKS

DANNY GRAN

DETROIT PISTONS

JEFF TEA

JOSH SMITH

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with