^

PSN Palaro

Tac may pahabol pang 2 ginto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala ng duda na si Nathaniel “Tac” Padilla pa rin ang pinakamahusay na pistolero ng bansa.

Matapos pagharian ang rapid fire at center fire pistol events ay dinagdagan pa ng 50-anyos  na si Padilla ang mga gintong nakolekta sa isinasagawang National Open Shooting Cham­pionships sa PSC Marine Range sa Fort Bonifacio sa pagwalis sa dalawang events sa 25-meter standard pistol.

“I am happy that I achieved my goals of winning again the three pistol events. I had promised my dad (dating national pistol champion at Olympian Mariano “Tom” Ong) that I’d repeat my usual triumph in the said pistol matches,” wika ni Padilla na ge­neral manager din ng Spring Cooking Oil na pag-aari ng kanyang pamilya.

Kumulekta si Padilla, ang no. 1 pistol shooter mula 1978, taglay ang 547 puntos para sa individual gold bago nakipagtambal kina Robert Donalvo at Enrique Gazmin sa team gold sa pinagsamang 1566 puntos.

Si Donalvo ang puma­ngalawa kay Padilla sa individual event sa 547 habang si Clarence Pukya ang kumuha ng bronze sa 521 puntos.

Ang pinagsamang puntos nina Padilla at Donalvo ay pinalakas pa ng 482 galing kay Gazmin, apo ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, para manalo sa koponan nina Carolino Gonzales, Ronald Robles at Antonio Medina na may 1412 at kina Pukya, Jovito Teneza at Chito Clemente na may 1298.

ANTONIO MEDINA

CAROLINO GONZALES

CHITO CLEMENTE

CLARENCE PUKYA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ENRIQUE GAZMIN

FORT BONIFACIO

JOVITO TENEZA

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with