^

PSN Palaro

Arquero nakisalo sa Shell chessfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigo ni fifth seed Kevin Arquero sina top seed Jan Nigel Galan at No. 2 Jerich Cajeras para makasalo sa liderato si Rhenzi Kyle Se­villano sa sixth round ng Shell National Youth Ac­tive Chess Championships grand finals sa SM Me­gamall.

Ginitla ni Arquero, ang City University of Pasay standout na pumangalawa kay La Salle bet Aglipay Obe­rio sa Northern Luzon elims, si Cajeras sa se­cond round at isinunod si Ga­lan sa sixth round para makasalo si Sevillano sa unahan sa magkatulad nilang 4.5 points patungo sa huling tatlong rounds ng nine-round Swiss system tournament na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Nauna niyang tinalo si Adelaide Joie Lim matapos matalo kay NCR leg winner Melwyn Kenneth Baltazar sa third round at talunin si Felix Shaun Balbona sa fourth round.

Nakipaghati siya ng pun­tos kay Vincent Balena sa fifth round ng event na isi­nasabay sa centennial an­niversary ng energy at gas technology leader sa Pi­lipinas.

Pinasinayaan ni Pilipinas Shell Social Investment manager Jackie Ampil ang pagbubukas ng two-day grand finals kasama si IM Oli­ver Dimakiling, isa sa mga produkto ng nasabing annual event, at ang pi­nakabatang finalist na si Mhage Gerriahlou Sebas­tian ng Binsang Elem. School (Northern Luzon).

Winalis naman ni fourth seed at NCR leg champion Dale Bernardo ng Holy Angel University ang kanyang unang apat na laro, kasama rito ang fourth round win kay No. 2 Stephen Ro­me Pa­­ngilinan, pagtabla kay top seed Julius Gonzales ng La Salle-Greenhills sa fifth at panalo kay Noel Ge­­ronimo ng UE sa sixth round para sa kanyang 5.5 points sa kiddies section.

ADELAIDE JOIE LIM

AGLIPAY OBE

BINSANG ELEM

CHESS CHAMPIONSHIPS

CITY UNIVERSITY OF PASAY

DALE BERNARDO

FELIX SHAUN BALBONA

NORTHERN LUZON

ROUND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with