Pantanosas kampeon sa Sun Cellular Nat’l Jr. Badminton tourney
MANILA, Philippines - Dalawang titulo ang napanalunan ni Daniel Pantanosas sa 17-under sa huling yugto ng 1st Sun Cellular-Ming Ramos National Juniors Badminton Tournament Mindanao leg kamakailan sa Tuna Smashers Badminton courts sa General Santos City.
Kinatawan ang Shuttle Busters ng Cagayan de Oro, tinalo ni Pantanosas si Miguel Gibhran Pana, 21-11, 21-10, para manalo sa boy’s singles bago nakipagtambal kay Pana upang gapiin sina Paolo Joshua Olango at Kurt Anthony Ramos, 21-16, 21-17, para sa doubles title.
Ang tatlong yugtong torneo ay suportado ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation, Philippine Badmintos Association (PBA), Smash Pilipinas at Babolat.
Ang iba pang tinanghal na kampeon ay sina Arthur Samuel Salvado ng Davao City (15-under singles), Michael Jastine Perez ng Mati City (13-under) sa kalalakihan, sina Jiselle Joy Capillo (17-under), Ma. Lourdes Babanto ng CDO Shuttle Busters (15-under) at Nevie Tan ng C-One (13-under) sa kababaihan.
Pumaimbulog pa sa doubles sina Ron Danelle Cabalquinto at Julius Fontanilla (15-under boys) at sina Marinel Diansay at Macy Ann Patricia Salvado (19-under), Sofia Milen Enriquez at Jennifer Saldaga (17-under) at Ma. Lourdes Babanto at Maxene Renee Olango (15-under) sa kababaihan.
- Latest