^

PSN Palaro

Pinay belles tangka ang unang panalo vs Aussie spikers sa AVC Youth Girls U-17

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Angkinin ang kauna-unahang panalo laban sa Australia ang nais ng Pilipinas sa pagbubukas ngayon ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Youth Girls U-17 Cham­pionship sa MCC Hall Convention Center The Mall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nasa Pool C ang Pilipinas kasama ang Australia, sixth seed India at second seed China at kailangang malagay ang Pambansang koponan sa unang dalawang puwesto para umabante sa quarterfinals.

Ito ang ikalimang pag­ka­kataon na sasali ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon at noong 2005 at 2008 na parehong ginawa sa Pilipinas ay tumapos ang bansa sa ikawalong puwesto.

Hindi pa nakakatikim ng panalo ang Pilipinas sa apat na pagtutuos pero may tiwala si coach Jerry Yee na puwede nilang silatin ang mas matatangkad na kalaban sa larong ito.

“We have scouted them and we hope to utilize our speed and quickness to offset their height advantage,” wika ni Yee na coach ng multi-titled Hope Christian High School.

Bukas ay kapaluan ng Pilipinas ang India bago isunod ang China sa pagta­tapos ng preliminary round sa Lunes.

May 14 manlalaro ang hinubog ni Lee katuwang ng Philippine Volleyball Federation at nabigyan din tune-up games sa mga collegiate teams tulad ng FEU at National University para maihanda ang sarili sa mabigat na kompetisyon na ito.

Ang mga manlalaro ay sina Ezra Gyra Barroga, Rica Diolan, Justine Dorog, Christine Dianne Francisco, Ejiya Laure, Maristela Geen Layug, Kristine Magallanes, Nicole Anne Magsarile, Maria Lina Isabel Molde, Jasmine Nabor, Faith Janine Shirley Nisperos, Roselyn Rosier, Alyssa Marie Teope, at Catlin Viray. (ATan)

ALYSSA MARIE TEOPE

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

ASIAN YOUTH GIRLS U

CATLIN VIRAY

CHRISTINE DIANNE FRANCISCO

EJIYA LAURE

EZRA GYRA BARROGA

FAITH JANINE SHIRLEY NISPEROS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with