2 ginto inasinta ni Padilla sa national shootfest
MANILA, Philippines - Ang 50-anyos na si Padilla ay nagtala ng 557 puntos sa rapid fire para manalo kina Ronald Hejastro (528) at Clarence Pukya (513). Isinunod ni Padilla na naging national champion mula pa noong 1978, ang pangunguna sa center fire sa 556 puntos para itulak sa pangalawa at pangatlong puwesto sina Pukya (552) at Carolino Gonzales (528).
“My twin wins are my gift to my father, who is celebrating his birthday soon,” wika ni Padilla sa ama na dating Olympian na si Mariano “Tom” Ong.
Aasintahin ni Padilla ang ikatlong ginto sa pagsali sa rapid fire event.
Ang alaga niyang si Jason Valdez ay kuminang din nang manalo sa 50-m men’s air rifle at 50-m men’s 3-position bukod sa pilak sa 50-m men’s rifle prone events.
Beterano ng Youth Olympic Games (YOG) sa Nanjing, China, si Valdez ay nagtala ng 588 at 1136 puntos para sa mga gintong medalya at may 576 tungo sa pilak na medalya.
Ang iba pang nanalo ay sina dating national shooter Susan Aguado sa women’s 25-m sports pistol, Amparo Teresa Acuna sa women’s 50-m air rifle, Benny Cagurin sa 50-m men’s rifle prone at Tito Carpio sa 50-m men’s free pistol.
- Latest



















