^

PSN Palaro

James iniupo sa second half; Cavs nanalo pa rin

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND – Kumamada si LeBron James ng 12 points bago ipahinga sa second half at ibinigay ng Cavaliers kay bagong head coach David Blatt ang isang emosyunal na panalo laban sa dati niyang koponangMaccabi Tel Aviv, 107-80, sa kanilang pre-season game.

Isang matinding hamon para kay Blatt ang makatapat ang Maccabi, isang club team na kanyang hinawakan sa loob ng anim na seasons at iginiya sa ilang titulo.

Iniwanan ng Cavs ang defending Euroleague champions sa 15 points sa halftime at hindi na nakuhang ma­kalapit sa second half.

Pinagpahinga ni Blatt ang NBA superstar sa second half at umasa na lamang kina Kyrie Irving, Kevin Love, Shawn Marion at Dion Waiters.

Umiskor si Irving ng 16 points at nagbigay si Love ng 11 rebounds para sa Cavs, humakot ng 64 rebounds kum­para sa 36 ng Maccabi.

Si Marion ang pumalit kay James sa third period kung saan umiskor si Waiters ng 12 markers para sa 28 points ng Cleveland kumpara sa 16 ng Maccabi.

Nagtala si Sylvan Landesberg ng 23 kasunod ang 18 ni Jeremy Pargo para sa Maccabi.

Sa Vancouver, tumipa si DeMar DeRozan ng 21 points para banderahan ang Toronto Raptors sa 99-94 pa­nalo laban sa Sacramento Kings.

Nag-ambag sina Jonas Valanciunas at Lou Williams, isang nine-year veteran na nakuha ng Toronto noong Hunyo, ng tig-12 points.

Tumapos naman sina Terrence Ross at Tyler Hansbrough ng tig-11 points sa Rogers Arena na pinanood ng 18,630 fans.

Pinamunuan ni Ramon Sessions ang Kings mula sa kan­­yang 14 points kasunod ang tig-13 nina DeMarcus Cousins at Darren Collison.

BLATT

DARREN COLLISON

DAVID BLATT

DION WAITERS

JEREMY PARGO

JONAS VALANCIUNAS

KEVIN LOVE

MACCABI

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with