^

PSN Palaro

Matapos yumukod sa limang sports na nilahukan inaalat ang mga Pinoy

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea – Walang pinalad na lumusot sa mga Pambansang atleta sa ikalawang araw ng Asian Games.

Nabigo sina judokas Gi­l­bert Ramirez at Fil-Japa­nese Kiyomi Watanabe na bigyan ang bansa ng kauna-unahang medalya, ha­bang ang mga men’s at women’s tennis teams at ang trap shooters ay lu­haan sa kanilang mga la­ban.

Sa Dowon Gymnasi­um ginagawa ang judo com­pe­tition at si Ramirez na nag-bye sa first round ay na­talo kaagad  kay Dastan Ykybayev ng Kazakhstan sa men’s -73kg.

Sa kabilang banda, si Wa­­tanabe na lumalaban sa women’s -63kg. ay nanalo kay Gulnar Hayytbayeva ng Turkmenistan sa first round pero sinibak ng Ha­po­nesang si Kana Abe ng Japan, 2-0 sa quarterfi­nals para malaglag sa re­pe­chage.

Subalit sa pagbabalik ni Watanabe ay nabigo siyang umusad nang naitapon sa labas ng mat ni Ma­­rian Urdabayeva ng Ka­zakhstan at tuluyan nang tu­mapos sa kanilang laban.

Hindi rin kinaya nina Treat Huey at Patrick John Tierro sina Wang Yeu Tzuoo, 6-4, 3-6, 0-6, at Lu Yen Hsun, 0-6, 0-6, sa singles matches para sa 1-2 pagkatalo sa Chinese- Taipei.

Sina Denise Dy at Ka­tha­rina Lehnert ay nabigo sa mga Korean netters, 0-3, sa unang laro sa wo­men’s division.

Gumanda ang putok ni Hagen Topacio sa huling da­lawang rounds sa 23 at 24 pero ang kanyang ka­buuang iskor matapos ang limang rounds na 112 ay sapat lamang sa pang-28 pu­westo.

Si Eric Ang ay nalagay sa mas mababang ika-37 spot sa 108 puntos matapos ang 24 at 21 performance sa huling rounds.

Si London Olympian Jes­sie Khing Lacuna ay nag­tala ng 1:53.20 tiyempo sa men’s 200m freestyle sa swimming para tumapos sa pang-15 puwesto sa ka­buuang 25 na nag­laban.

Sa rowing, ang mga pan­­laban sa double sculls na sina Roque Abala, Jr. at Alvin Amposta ay nala­gay lamang sa ikaapat na puwesto sa 6:53.66 at bu­­magsak sa repechage.

May tsansa pa ang Pilipi­nas na makatikim na ng me­dalya sa pangatlong araw ng aksyon sa ka­tauhan ng mga sanda ar­­tists na sina Jean Claude Saclag, Francisco Solis at Divine Wally sa pagharap nila sa quarterfinal round ng judo sa kanilang mga weight di­visions.

ALVIN AMPOSTA

ASIAN GAMES

DASTAN YKYBAYEV

DIVINE WALLY

FRANCISCO SOLIS

GULNAR HAYYTBAYEVA

HAGEN TOPACIO

JEAN CLAUDE SACLAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with