1st Sun Cellular-Ming Ramos National Jr. badminton Mindanao leg
MANILA, Philippines – Dadalhin ang huling tatlong leg competition ng 1st Sun Cellular-Ming Ramos National Juniors Badminton Tournament sa Mindanao sa Oktubre 3-5 sa General Santos City.
Higit sa 800 partisipante ang lumahok sa Manila Luzon at Cebu Visayas legs ng nasabing junior tournament na may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA).
Hangad ng three-day competition na makadiskubre ng potensyal na talento mula sa Mindanao region kagaya ng General Santos, Davao, Surigao, Cagayan De Oro City, Basilan, Zamboanga at Agusan.
Ang torneo ay suportado ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation, Philippine Badminton Association Smash Pilipinas at Babolat.
Ang mga nagwagi sa three-leg junior badminton competition na pinalakas ng Forthright Events ang kakatawan sa kanilang mga rehiyon sa national finals sa Manila.
Ang kategorya sa mga events ay ang Boys and Girls Singles para sa U-13, U-15,U-17 at U-19 habang ang Boys Doubles, Girls Doubles at Mixed Doubles ay sa U-15, U-17 at U-19.
Pinamumunuan ni Sun Cellular President Mr. Orlando B. Vea ang pagdiskubre ng mga bagong talento sa buong bansa.
Ang naturang kompetisyon ay bahagi ng Philippine National Ranking System.
- Latest




















