^

PSN Palaro

Gilas ibo-boykot ang Asiad kung...

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang isantabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang ka­nilang partisipasyon sa Asian Games sa Incheon, Korea kung hindi makakakuha ng paborableng desisyon mula sa Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC).

Tatlong bagay ang idu­dulog ng SBP sa ka­ni­lang plano ng pag-apela sa IAGOC matapos ideklara na hindi puwedeng gamitin ng Pilipinas si natura­lized NBA center Andray Blatche dahil kulang ang residency nito.

Una rito ay ang pagpasok sa pangalan ni Marcus Douthit bilang kapalit ni Blatche. Ang ikalawa ay ang paghingi ng arbitration sa mas mataas na sporting body tulad ng IOC at FIBA at ang ikatlo ay ang huwag ng ituloy ang paglahok sa Asian Games.

Gumawa ng aksyon ang SBP matapos makatanggap ng liham galing kay Haider Farman na kasapi ng Olympic Council of Asia (OCA) kahapon na nagsasaad ng desisyon sa kaso ni Blatche.

Matatandaan na naunang sumulat sa OCA na siyang namamahala sa Asian Games, si FIBA secretary-general Patrick Baumann at hiniling na pag­laruin si Blatche dahil ang FIBA ang may karapatan sa usaping eligibility ng manlalaro. Tinuran pa ng FIBA ang katotohanang pinaglaro na si Blatche sa FIBA World Cup.

“Yes, I think it’s with fina­lity,” wika ni SBP vice chairman Ricky Vargas sa desis­yon ng OCA kay Blatche.

“But we will still be sen­ding a group there to talk to them on Wednesday. Anong tumutulak sa atin, we want to be able to send the best team we can give for the Filipinos and for basketball, to fight for the gold medal,”  paliwanag pa ni Vargas.

Kasama si Douthit sa 17 manlalaro na naunang ipina-accredite ng SBP sa IAGOC pero ang kuwestiyon ay kung papayag ba ang organizers na palitan si Blatche na lumalabas na hindi kasama sa de­legasyon.

Mapipilayan ang Gilas kung ganito ang ruling ng IAGOC dahil 11 players na lamang ang kanilang magagamit sa kompetis­yon.

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

BLATCHE

HAIDER FARMAN

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

MARCUS DOUTHIT

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PATRICK BAUMANN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with