^

PSN Palaro

Azkals haharapin ang Myanmar sa titulo

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Walang nakitang a­berya si US-German coach Thomas Dooley sa ipinakitang laro ng Azkals sa Chinese Taipei na kanilang hiniya, 5-1, sa Phi­lippine Peace Cup noong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Football Pitch.

“I’m happy with the results,” agad na naibulalas ni Dooley na nakuha ang unang panalo sa international event na ginawa sa Pilipinas.

Si Mark Hartmann ay naghatid ng dalawang goals sa second half (74th at 88th minute) para tumbasan ang tig-isang goals nina Rob Gier at James Younghusband sa first half.

Ang ikalimang goal ng home team ay mula sa own goal ni Chen Yi-wei sa 65th minute.

Si Yen Ho-sen ang si­yang bumutas sa goal para sa Chinese Taipei na nangyari sa 80th minute.

Bunga ng panalo, ang Pilipinas ay umabante sa championship sa Sabado at makakalaban ang Myanmar na hiniya ang Palestine, 4-1, sa naunang laro.

Pakay ng Azkals na mapanatili sa ikatlong taon ang kampeonato sa Peace Cup na inorganisa ng Phi­lippine Football Federation.

Nakikita ni Dooley na kaya ng Azkals na manalo pa sa Myanmar lalo pa’t maganda ang ipinakita nina Kenshiro Daniels  at Younghusband sa bagong spots sa field.

 

AZKALS

CHEN YI

CHINESE TAIPEI

FOOTBALL FEDERATION

JAMES YOUNGHUSBAND

KENSHIRO DANIELS

MYANMAR

PEACE CUP

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with