^

PSN Palaro

Torres lumundag ng ginto sa Singapore Open

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailabas ni Marestella Torres ang pinakamagandang porma sapul ng bu­­malik mula sa panga­nganak noong Enero para makuha ang gintong medalya sa long jump sa idinadaos na 76th Singa­pore Open Track and Field Championships sa Choa Chu Kang Stadium sa Singapore.

Ang 33-anyos na si Torres ay nakalundag ng 6.45m sa ikaanim at huling attempt noong Sabado para sa kanyang ikalawang gintong medalya sa tatlong international tournaments na sinalihan.

Isang four-time SEAG champion at two-time Olympian, si Torres ay nag­babalik matapos ang mahigit na isang taong pamamahinga at noong Enero ay isinilang ang kauna-unahang supling nila at asawang si Eleazer Sunang.

Tinalo ni Torres ang pambato ng Malaysia na si Mohamad Nafiah na may 6.14m habang ang bronze medal ay kinuha ni Chanmi Bae ng Korea sa 6.00m.

Ang marka ay lampas din sa dating best leap sa talon na 6.26m jump nang nagwagi sa Hong Kong noong Hunyo.

Higit din ito sa itinakdang 6.37m qualifying standard para makapasok sa Asian Games sa Incheon, Korea upang buhayin ang posibilidad na maihabol pa si Torres sa delegasyon.

Ngunit sa text message ni POC chairman at kasapi ng Asian Games Task Force Tom Carrasco Jr. kahapon, sinabi niyang hindi na maihahabol pa si Torres dahil tapos na ang submission ng pangalan sa Asian Games Organizing Committee.

Noon pang Agosto 15 ang pinal na araw para sa pagpapatala ng atleta para sa Asiad at si Torres, na hawak ang SEAG record sa 6.71m,  ay binigyan ng performance trial noong Agosto 9 sa Philsports Oval sa Pasig City pero nakalundag lamang sa 6.17m.

Bukod kay Torres ay nanalo rin si Fil-Am Eric Shauwn Cray (51.60 se-conds) at Christopher Ulboc (9:16.51) sa men’s 400m hurdles at 3000m steeplechase habang may pilak ang men’s 4x400m relay (3:11.67) at si Henry Dagmil ay may bronze sa men’s long jump (7.56m) para sa  magandang pani-mula ng Pambansang at-leta sa dalawang araw na kompetisyon. (AT)

vuukle comment

AGOSTO

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

ASIAN GAMES TASK FORCE TOM CARRASCO JR.

CHANMI BAE

CHOA CHU KANG STADIUM

CHRISTOPHER ULBOC

ELEAZER SUNANG

TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with