^

PSN Palaro

Youth Olympic Games sumablay si Arellano

ACordero - Pilipino Star Ngayon

NANJING--Itinago ni Celdon Jude Arellano ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay habang nakaupo sa isang plastik na silya sa pagtatapos ng kanilang kompetisyon sa Fangshan Shooting Hall.

Dismayado ang 16-anyos na Filipino shoo­ter sa kanyang na­ging kampanya.

“Medyo masama,” wika ni Arellano na nagtapos sa 14th mula sa 20 competitors sa men’s 10-meter air rifle event ng Youth Olympic Games.

Pumutok si Arellano ng kabuuang 605.0 sa qualifications ngunit nabigong makapasok sa finals na nagtampok sa walong top eight shooters mula sa buong mundo.

Nagtala ang alaga ni Filipino shooting champion Nathaniel “Tac” Padilla ng 96.5, 102.2, 99.9, 102.7, 103.0 at 100.7.

Sa ensayo ay naglista siya ng 622.0, habang 609.8 sa Munich noong Hunyo at 611.9 sa Beijing noong Hulyo.

“Kulang sa conditioning. Sa shooting, pag kinabahan ka, manginginig ang hita mo,” ani Arellano.

Pinamunuan ni Haoran Yang ng China ang mga qualifiers sa kanyang 629.4 kasunod sina Hrachik Ba­bayan (624.8) ng Armenia, Istvan Peni (624.2) ng Hungary, Shao-Chuan Lu (623.5) ng Taipei at Andrija Milovanovic (615.4).ng Serbia.

Si Yang ang kumuha sa gold medal sa kanyang 209.3 sa finals kasunod sina Babayan (204.3) at Peni (183.5).

ANDRIJA MILOVANOVIC

ARELLANO

CELDON JUDE ARELLANO

FANGSHAN SHOOTING HALL

HAORAN YANG

HRACHIK BA

ISTVAN PENI

SHAO-CHUAN LU

SI YANG

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with