^

PSN Palaro

Reyes inihayag na ang Gilas lineup sa Spain

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inilaglag ni head coach Chot Reyes si naturalized center Marcus Douthit mula sa Gilas Pilipinas.

Muling isinama ni Reyes ang bagong naturalized player na si Andray Blatche sa koponang sasabak sa darating na 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa Spain.

Nauna nang ibinilang ni Reyes ang 6-foot-11 na si Blatche sa Nationals na lalahok sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Bukod kay Blatche, naglaro sa Brooklyn Nets sa NBA, ang iba pang miyembro ng Gilas para sa FIBA World Cup ay sina Jayson Castro, LA Tenorio, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Gary David, June Mar Fajardo, Jimmy Alapag at Paul Lee.

Sa nasabing grupo ay si Alapag ang tanging hindi kabilang sa koponang kakampanya sa Incheon Asiad.

Si Alapag ay miyembro ng Nationals na kumuha ng silver medal sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship para makapaglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Pinalitan naman ni Lee para sa world meet ang umayaw na si Larry Fonacier.

Maliban kay Douthit, hindi rin isinama ni Reyes sa pag­lahok ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup at sa Incheon Asiad sina Jay Washington at Beau Belga.

Samantala, tinapos ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2014 Antibes Basketball Tournament mula sa isang 50-point loss sa Ukraine.

Ipinahinga ang mga may minor injuries na sina Blatche at Lee, yumuko ang Nationals sa mga Ukrai­nians, 64-114, sa  Azur Arena sa Antibes, France.

Isinara ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa naturang four-nation pocket tourney sa 0-3 kartada. 

ANDRAY BLATCHE

ANTIBES BASKETBALL TOURNAMENT

ASIA MEN

ASIAN GAMES

AZUR ARENA

GILAS PILIPINAS

INCHEON ASIAD

REYES

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with