^

PSN Palaro

Turbo Boosters pasok sa semis; Lady Eagles winalis ang quarters para sa playoff

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inangkin ng PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters ang ikalawang tiket sa semifinals nang naipanalo ang mahigpitang 25-22, 25-21, 25-22 sa nagdedepensang Cagayan Valley Rising Suns sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference quarterfinals ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Suzanne Roces ay may 18 kills tungo sa 21 points, habang may 18 digs ang liberong si Lizlee Ann Pantone para ipakita ang matibay na opensa at depensa ng Turbo Boos­ters at pantayan ang Army Lady Troopers sa unang pu­westo sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s katuwang ang Accel at Mikasa.

“Naging agresibo kami sa opensa at depensa kaya kami nanalo,” wika ni PLDT coach Roger Gorayeb.

May 12 puntos si Laurence Ann Latigay, kasama ang 10 kills, habang si Gretchel Soltones ay naghatid pa ng 10 hits para sa nanalong koponan.

 Sa ikalawang sunod na laro ay tanging si Aiza Maizo ang nasa doble-pigura para sa Lady Rising Suns sa kanyang 15 hits.

Ito ang ikaapat na su­­nod na pagkatalo ng Ca­­ga­yan at nalaglag sa ika-limang puwesto matapos magwagi ang Ateneo Lady Eagles sa talsik nang National University Lady Bulldogs sa limang sets, 26-28, 25-19, 16-25, 25-16, 15-8, sa ikalawang laro.

Tumapos si Alyssa Valdez bitbit ang 32 puntos na nagmula sa 19 kills, 6 blocks at 7 service aces upang makumpleto ng UAAP titlist ang 5-game sweep sa quarters.

Si Bea De Leon ay may 16 puntos at nakasama si Valdez bukod pa kay Miren Gequillana na pinagtulungang bunuin ang 13-4 palitan matapos kunin ng NU ang 3-2 kalamangan tungo sa panalo.

Tinapos ng Ateneo ang kampanya bitbit ang 7-5 baraha para makamit ang playoff sa No. 4 seat.

 

vuukle comment

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOS

LADY RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with