^

PSN Palaro

Lady troopers pasok sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inangkin ng Army Lady Troopers ang unang silya sa semifinals nang buma­ngon sa pagkatalo sa naunang dalawang sets para sa 22-25, 19-25, 25-21, 25-14, 15-7 tagumpay sa National University Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Binuhay nina Jovelyn Gon­zaga at Rachel Ann Da­quis ang malamyang pa­nimula para manaig sa larong tumagal ng isang oras at 48 minuto para tiyakin ang puwesto sa susunod na round tangan ang 8-2 karta.

Si Gonzaga ay may 17 kills tungo sa 21 puntos bukod sa 10 digs, habang si Daquis ay may 12 kills, tatlong blocks at limang aces tungo sa 20 puntos.

May 12 si Nerissa Bautista, habang si Christine Ag­no ay may 18 digs para mapigil ang mga atake ng Lady Bulldogs na na­maalam na sa liga sa ika-pitong pagkatalo matapos ang 10 laro.

Sinelyuhan naman ng Air Force Raiders ang playoff para sa huling upuan sa semifinals sa pamamagitan ng 25-21, 22-25, 17-25, 28-26,15-8 panalo sa PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters sa unang laro.

Si Maika Ortiz ay may 19 puntos sa 15 kills at 4 blocks at ang huling block at atake ang tumapos sa fifth set upang maiangat ng Air Force sa 7-4 ang ba­raha sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suporta­do ng Shakey’s at may ayu­da ang Accel at Mikasa.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE RAIDERS

ARMY LADY TROOPERS

CHRISTINE AG

HOME TELPAD TURBO BOOS

JOVELYN GON

LADY BULLDOGS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with