Batang Gilas talo sa Greece
DUBAI -- Nalasap ng Team Philippines ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan nang matalo sa Greece, 65-85, sa FIBA U17 World Championship noong Sabado ng gabi sa Al Shabab Arena.
Hindi nakaiskor ang Batang Gilas sa kabuuan ng third quarter na nagpalasap sa kanila ng 0-2 marka.
Kinuha ng mga Pinoy cagers ang 9-2 abante mula kina Jolo Mendoza at Mike Nieto sa pagsisimula ng laro bago kumamada ang mga Greeks.
Ang pananahimik ng Batang Gilas sa third period ang nagbigay sa Greece ng 63-33 bentahe patungo sa fourth quarter.
Greece 85 – Pefanis 26, Koniaris 14, Ntouzidis 9, Flionis 6, Michaloutsos 6, Skordas 6, Kamaras 5, Diploras 4, Mouratos 4, Milentigievits 2, Charalampopoulos 2, Papagiannis 1.
Philippines 65 – Mendoza 19, Nieto 11, Dela Cruz 9, Go 7, Desiderio 6, Escoto 4, Navarro 4, Abadeza 2, Dario 2, Padilla 1, Panlilio 0.
Quarterscores: 25-17; 46-26; 63-33; 85-65.
- Latest