^

PSN Palaro

Colonia palaban sa gold sa Asiad

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay ng pag-asa si Nestor Colonia sa kaka-yahang makapaghatid ng medalya sa Asian Games sa Incheon, Korea nang pantayan ang gold me-dal mark noong 2010 sa Guangzhou, China.

Maglalaro sa 56-kilogram division, ang  27-an­yos na weightlifter na si Colonia ay gumawa ng 125kg. sa snatch bago bumuhat ng 160kg sa clean and  jerk tungo sa 285kg total.

Sa isang performance test nong Sabado sa Philippine Weightlifting Association gym ginawa ni Colonia ang marka na siya ring ginawa ni Wu Jingbiao ng China para manalo ng ginto.

Ang nailista ni Wu ay 133kg sa snatch at 152kg clean & jerk.

Ang pilak ay napanalunan ni Cha Kum Chol ng North Korea sa 276kg total (128kg at 148kg) habang ang bronze ay napasakamay ni Jadi Setiadi ng Indonesia sa 271kg (120kg at 151kg).

Si Colonia ay sumali rin sa Guangzhou Games at tumapos siya sa ikaanim na puwesto tangan ang 110kg sa snatch at 145kg sa clean and jerk para sa 255kg total.

Habang paganda nang paganda ang buhat ni Colonia, ang two-time Olympian na si Hidilyn Diaz ay magtatangka naman na makapasok na sa Pambansang delegasyon sa performance trial bukas.

Kailangang mabuhat ni Diaz, kumakampanya sa 58kg division ang 225kg total lift para makapasok sa delegasyon.

Nanalo ng ginto si Diaz sa Philippine Natio­nal Games (PNG) pero naka­buhat lamang siya ng 215kg total.

 

ASIAN GAMES

CHA KUM CHOL

COLONIA

DIAZ

GUANGZHOU GAMES

HIDILYN DIAZ

JADI SETIADI

NESTOR COLONIA

NORTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with