^

PSN Palaro

George nabalian ng binti, ‘di na makakalaro sa Spain

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Isang major leg injury ang nalasap ni Indiana Pacers star Paul George sa isang United States intra-squad scrimmage bilang paghahanda sa FIBA World Cup.

Kaagad inihinto ang laro sa fourth quarter sa harap ng mga nahintakutang fans sa Thomas and Mack Center at kaagad isinugod si George sa ospital.

Nag-tweet naman si George at nagpasalamat sa lahat ng suporta sa kanya.

“Thanks everybody for the love and support.. I’ll be ok and be back better than ever!!!” wika ni George.

Bagamat tila hindi ma­lala para sa kanya ang injury, matinding reaksyon naman ang nakita sa mga mukha ng nakasaksi sa nangyari kay George.

Masama ang bagsak ng Pacers small forward kung saan kaagad tuma­bingi ang kanyang kanang binti nang tumama sa basket stanchion sa pagtatangkang supalpalin ang layup ni James Harden sa fourth quarter.

Kaagad dinamayan ni US coach Mike Krzyzewski at ng pamilya ni George ang NBA superstar.

Sinabi naman ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo na hindi kaagad maisasagawa ang paglilista ng pinal na US selection para sa FIBA World Cup dahil sa nangyari kay George.

“Our first concern, our primary concern, is Paul George,” sabi nito. 

 

vuukle comment

GEORGE

INDIANA PACERS

JAMES HARDEN

JERRY COLANGELO

KAAGAD

MIKE KRZYZEWSKI

PAUL GEORGE

THOMAS AND MACK CENTER

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with