^

PSN Palaro

Juico sa Task Force Asiad: ‘Bigyan pa ng tsansa si Torres’

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ng bagong PA­TAFA president na si Philip Ella Juico sa Task Force Asian Games na bigyan pa ng isang tsansa si  Marestella Torres, SEAG record holder sa women’s long jump, para maabot ang quali­fying mark at ma­pasama sa ipadadalang delegasyon sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Nais ni Juico na pala­ruin ang 33-anyos na si Torres sa  PATAFA  Weekly Relays sa Agosto 10 para muling subukan na maabot ang 6.37-metro marka na hindi niya nagawa sa dalawang naunang internatio­nal  tourney na sinalihan.

Nanganak noong Enero lamang, ang nagbabalik na si Torres ay gumawa ng 6.26-metro nang nanalo ng ginto sa Hong Kong Invitationals at 6.14-metro tungo sa bronze medal sa katatapos na Vietnam Open.

“What we are asking for  is some kind of leniency. Marestella gave birth last January 26 and was given clearance to train only last March 12. She’s been trai­ning barely 18 weeks  that is four months and two weeks which is way, way below what the others are doing,” wika ni Juico sa pagbisita kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Sa Agosto 15 pa ang final deadline para ipasa ang opisyal na talaan ng atleta ng bansa sa Incheon  Asian Games Organizing Committee kaya’t naniniwala si Juico na mapapaunlakan ang kanyang kahilingan.

May 10 atleta ang PATAFA na pasado na sa Task Force at mahalaga ang masama si Torres dahil siya lamang ang tunay na may tsansa para manalo ng medalya sa Incheon.

Wala namang problema sa Task Force na hindi paunlakan ang kahilingan ni Juico. “We have no problem with that and we will giver her a last chance,” wika ni POC chairman at Task Force member Tom Carrasco Jr.

ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

HONG KONG INVITATIONALS

INCHEON

JUICO

MARESTELLA TORRES

PHILIP ELLA JUICO

SA AGOSTO

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with