Rivera umalagwa sa BWC finalists
MANILA, Philippines - Inilabas ng dating world champion na si Biboy Rivera ang magandang porma para pangunahan ang ikalawang pangkat ng finalists sa 2014 Bowling World Cup national championship na idinaos kamakailan.
Nagtala ng perfect game (300) si Rivera sa ika-siyam na game sa 12-game series upang katampukan ang 2800 puntos na naitala at maging ikalawang best qualifier sa nasabing grupo.
Si Jason Tubid ang lumabas bilang pinakamahusay sa 2819 puntos .
Hanap ni Rivera ang makalaro uli sa World Cup na kanyang huling nilahukan noon pang 2011 sa Johannesburg, South Africa.
Sina Mades Arles at Benshir Layoso ay nakapasok din sa national finals na gagawin sa tatlong lugar na Coronado Lanes (Agosto 16-17), Paeng’s Midtown (Agosto 19-20) at SM North Edsa (Agosto 22).
Sina Ardles at Layoso ang mga kumatawan sa Pilipinas sa World Cup noong nakaraang taon sa Krasnoyarski, Russia na kung saan si Arles ay nalagay sa ikawalong puwesto sa kababaihan habang si Layoso ay tumapos sa 17th place sa kalalakihan.
Si Cielet de Leon ang lumabas bilang pinakamahusay naman sa kababaihan sa 1549 score.
Ang kikilalaning national champion sa kalalakihan at kababaihan ang maglalaro sa World Cup na gagawin sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 1 hanggang 9.
- Latest