^

PSN Palaro

Umangat ang Army spikers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi  sa dominanteng 25-18, 25-16, 25-15, panalo para sa Army Lady Troopers ang inakalang mahigpitang labanan kontra sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters para maging ikalawang koponan na umabante sa susunod na round sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inagaw din ng Army ang liderato na dating tangan ng PLDT matapos itulak ang winning streak sa apat sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may suporta pa ng Accel at Mikasa.

“Alam namin kung gaano sila kalakas kaya ipinaalala ko lang sa mga players na huwag mag-relax sa laban,” wika ni Army coach Rico de Guzman.

Nanumbalik agad ang  galing ng nagdedepensang kam­peon Cagayan Valley Lady Rising Suns nang pa­da­pain ang Air Force Air Women sa straight sets, 25-13, 25-22, 25-20, sa ikalawang laro.

Mabilis nanakabangon ang Lady Rising Suns mula sa paglasap ng unang pagkatalo matapos ang 17-game winning streak para okupahan ang ikatlong puwesto sa 3-1 karta.

Kontrolado ng Lady Troopers ang kabuuan ng laro at nagkaroon sila ng 43-24 bentahe sa attacks, may 7-2 agwat sa blocks at 8-5 lamang sa service ace para tumagal lamang ang laro sa loob ng 64 minuto.

Sina Jovelyn Gonzaga, Nerissa Bautista at Mary Jane Balse ay mayroong tig-12 puntos habang 11 ang ibinigay ni Rachel Ann Daquis.

Naglaho ang naunang kinang ng PLDT na pasok na rin sa quarterfinals kahit may 4-1 karta ngayon.

Walang manlalaro sa kampo ni coach Roger Go­rayeb ang nasa double-digits at si Gretchel Soltones ang namuno sa koponan  sa pitong puntos lang.

 

AIR FORCE AIR WOMEN

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY RISING SUNS

LADY TROOPERS

MARY JANE BALSE

NERISSA BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with