^

PSN Palaro

Spain sibak na binugbog ng Chile, 2-0

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANIERO--Ba­gong kam­peon ang lalabas sa 2014 World Cup nang nasibak agad ang nagdedepensang kampeon Spain sa di inaasahang  0-2 pagkatalo sa Chile noong Huwebes    dito.

Sina Eduardo Vargas at Charles Aranguiz ang siyang naghatid ng goals para sa Chile na nangyari sa first half pa lamang.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Spain sa Group B matapos ang 1-5 pagyuko sa Netherlands noong Biyernes.

“If you think about eve­rything accomplished, and you told me we would be eliminated in group stage, I wouldn’t believe you,” wika ni Spanish coach Vicente del Bosque.

Ang koponan ay binuo ng manlalarong nagkampeon noong 2010.

Bukod ito sa katotoha­nang ang mga isinama sa kompetisyon ngayon ay beterano ng halos 100 national games at siya ring magkakasama noong nagkampeon sa European Championships noong 20­08 at 2012.

Ngunit iba na ang kon­disyon ng pangangatawan ng mga nasabing manla­laro para maging ikatlong sunod na European team na defending champion ng torneo na namaalam sa group stage.

Ang France at Italy ang mga dating European champions na nabigong idepensa ang korona nang hindi nanalo ng isang laro.

Magkakaroon ang Spain ng pagkakataon na makaisa sa edisyong ito sa pagharap sa Australia sa consolation round.

Kinuha ng Netherlands ang ikalawang sunod na panalo sa Group B sa 3-2 panalo sa Australia,  habang binokya ng Croatia ang Cameroon, 4-0, sa laro sa Group A.

Sina Robin van Persie at Memphis Depay ang siyang nagbangon sa Dutch mula sa 1-2 iskor para  umabante na.

Sa layong 25-yards naka-goal si Depay nang kinapos ang lundag ni Aussie goalie Mathew Ryan para mamaalam na rin ang natalong koponan sa 0-2 karta.

May dalawang goals si Mario Mandzukic para pangunahan ang Croatia.

vuukle comment

ANG FRANCE

CHARLES ARANGUIZ

CROATIA

EUROPEAN CHAMPIONSHIPS

GROUP A

GROUP B

MARIO MANDZUKIC

MATHEW RYAN

MEMPHIS DEPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with