^

PSN Palaro

Cavaliers vs Responders sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinamantala ng AFP Ca­valiers ang pagkakatalsik sa laro ni Don Camaso para tapusin ang isang taong paghahari ng Judiciary Magis sa 85-76 panalo sa UNTV Cup Season 2 knockout semifinals noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sinuntok ng 6’6 center na si Camaso si Alvin Zuniga matapos ang ma­tinding foul at napilayan ang Magis upang mamaalam sa hangaring pagdepensa sa hawak na titulo.

Si Rolando Pascual ang nagdala sa laban ng Ca­valiers sa kanyang 24 puntos bukod sa 12 rebounds, dalawang steals at dalawang blocks para makabawi ang AFP mula sa pagkatalo sa Magis sa semis noong nakaraang taon.

Makakatapat ng AFP ang PNP Responders na dinurog ang MMDA Black Wolves, 80-67, sa isa pang knockout game.

May 31 puntos at 10 rebounds si Olan Omi­ping para sa Respon­ders na naibangon din ang sarili mula sa paglasap ng unang pagkatalo sa hu­ling tagisan nila ng Black Wolves.

Nakipagtulungan muna si Omiping kay Harold Sta. Cruz sa first half para itulak ang Responders sa 47-30, bago sinolo ang pagkamada sa huling yugto nang ibagsak ang 16 puntos para magkaroon ng pagkakataon na makuha ang kampeonato sa ikalawang pagtuntong sa championship round.

Ang Finals ay isang best-of-three series at ganito rin ang tagisan para sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

ALVIN ZUNIGA

ANG FINALS

BLACK WOLVES

CUP SEASON

DON CAMASO

HAROLD STA

JUDICIARY MAGIS

OLAN OMI

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with