^

PSN Palaro

Raiders pupuwesto na sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selyuhan ang puwesto sa semifinals ang nakataya sa nagpapasikat na RC Cola-Air Force Raiders sa pagbangga sa Generika-Army Lady Troopers sa 2014 PLDT Home-Phi­lippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang huling laro ng Raiders sa elimination round at ang makukuhang ikalimang panalo matapos ang anim na laro sa Lady Troopers sa larong itinakda sa alas-2 ng hapon ay sapat na para makatiyak ng puwesto sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Core na handog ng PLDT Home DSL bukod sa ayuda ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Ikatlong panalo sa anim na laro ang hahagipin ng PLDT Home TVolution Power Attackers sa pagsukat sa walang panalong Cignal HD Spikers dakong alas-4, habang ang huling laro sa alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng PLDT-Air Force at IEM sa men’s division.

May dalawang hiwalay na format ang liga sa playoffs dahil may posibilidad na may maka-sweep sa kompetisyon bunga ng kawalan pa ng pagkatalo ng Petron Lady.

Ngunit nakasaad sa dalawang format na ang papangalawa matapos ang elims ay didiretso na sa semifinals.

Tiyak na bibigyan sila ng magandang laban ng Lady Troopers na siyang nagdomina sa liga sa naunang dalawang conferences.

Matapos ang larong ito ay magpapahinga ang liga sa loob ng dalawang linggo para magbigay-daan sa gaganaping Cagayan Friendship Games na kung saan karamihan sa naglalaro sa PSL ay kasali sa nasabing torneo. (AT)

vuukle comment

AIR FORCE

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN FRIENDSHIP GAMES

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

GENERIKA-ARMY LADY TROOPERS

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS EQUIPMENT

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with