B-Pier sinibak ng Express, pasok na sa quarterfinals
Laro Bukas
(Mall of Asia Arena)
5:45 p.m. Ginebra
vs Alaska
8 p.m. San Mig Coffee vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng tsansa ang Batang Pier na manalo, ngunit sinayang nila ang pagkakataon.
Nagtuwang sina import Dominique Sutton, Asi Taulava at Jonas Villanueva sa fourth quarter para ihatid ang Air21 sa 106-102 panalo laban sa Globalport at sikwatin ang isang quarterfinals seat sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kumamada sina Sutton, Taulava at Villanueva ng pinagsamang 26 points sa final canto para sa Express na nagpalasap sa Batang Pier ng ikaanim nitong sunod na kamalasan.
“I guess this game is really meant for us. We were able to come back even if they made a run,†sabi ni head coach Franz Pumaren.
Tumabla ang Air21 sa Rain or Shine sa magkatulad nilang 5-3 record sa ilalim ng magkasalo sa lideratong San Mig Coffee (5-2) at Talk ‘N Text (5-2) record kasunod ang Barangay Ginebra (4-2), Air21 (4-3), San Miguel Beer (4-3), Alaska (3-4), Barako Bull (3-5), Meralco (2-6) at Globalport (1-7).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Gin Kings at ang Beermen habang isinusulat ito.
Sinimulan ng Express ang laro mula sa 15-0 bago ito palobohin sa 38-22 sa second period.
Bumangon naman ang Batang Pier at naagaw ang unahan sa 82-78 sa 10:15 ng fourth quarter sa likod nina import Dior Lowhorn, Alex Cabagnot at Jay Washington.
Huling nakadikit ang Globalport sa 102-104 agwat mula sa three-point shot ni Cabagnot sa nalalabing 8.0 segundo kasunod ang dalawang free throws ni Villanueva sa natitirang 6.9 segundo para sa panalo ng Air21.
Air21 106 - Sutton 28, Taulava 17, Villanueva J.15, Yeo 13, Ramos 8, Atkins 6, Borboran 5, Poligrates 4, Cardona 4, Villanueva E. 2, Burtscher 2, Camson 2, Menor 0.
Globalport 102 - Lowhorn 35, Cabagnot 19, Washington 19, Buenafe 16, Romeo 7, Macapagal 4, Menk 2, Yee 0, Lingganay 0, Hayes 0, Salvador 0, Garcia 0, Acuna 0.
Quarterscores: 29-20; 55-47; 78-75; 106-102.
- Latest