^

PSN Palaro

Cavaliers, Black Wolves humirit ng rubber match

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinantabi ng AFP Cavaliers at MMDA Black Wolves ang twice-to-beat advantage na hawak ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis at PNP Responders nang kunin ang panalo noong Linggo sa UNTV Cup Season 2 semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sina Alvin Idanan, Eugene Tan, Winston Sergio at Roland Pascual ay nagsanib sa 40 puntos para sa Cavaliers na nakitaan ng ibayong depensa para maitakda ang do-or-die game laban sa nagdedepensang kampeon Magis sa susunod na Linggo.

May 19 puntos si John Hall habang kumulekta ng 14 puntos at 12 boards si Don Camaso pero kinulang ito para malagay sa alanganin ang paghahangad ng Magis na makadalawang sunod na kampeonato sa liga.

Kumawala ng 25 puntos si PJ Villanueva habang sina Jeff  Sanders at Cyril Santiago ay nagsanib sa 37 puntos para sa Black Wolves sa kinuhang 88-79 panalo.

May 25 puntos si Olan Omiping para sa Responders na bago ang larong ito ay naipanalo ang unang walong asignatura sa elimination round.

 

vuukle comment

BLACK WOLVES

CUP SEASON

CYRIL SANTIAGO

DON CAMASO

EUGENE TAN

JOHN HALL

JUDICIARY MAGIS

LINGGO

OLAN OMIPING

PASIG CITY

ROLAND PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
7 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with