Petron Blaze Spikers binigo ang Airforce Raiders para sa 3-0 record
MANILA, Philippines - Mas makinang ang larong ipinakita ng Petron Lady Blaze Spikers para kunin ang 25-22, 25-13, 26-24 panalo sa RC Cola-Air Force Raiders sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament kahapon sa CuÂneta Astrodome sa Pasay City.
Si Dindin Santiago ay nagÂhatid ng 19 kills tungo sa 23 puntos kahit nananaÂkit ang tuhod, habang sina Sandra De Los Santos at Maica Morada ay nagÂtala ng 11 at 8 puntos para sa Lady Blaze SpiÂkers na umangat sa 3-0 at hawaÂkan ang liderato sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL at suportado ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Dominado ni Santiago ang liga matapos ang 37 at 31 puntos noong nanalo ang koponan sa kanilang unang dalawang laro.
“Nananakit ang mga tuÂhod niya. Kaya sa first set ay pinaluan na niya ng pinaluan bago kami guÂmawa ng ibang variations sa mga sumunod na sets,†wika ni Petron coach George Pascua.
Unang pagkatalo ito sa apat na laro ng Raiders at wala ni isang manlalaro nito ang nasa doble-pigura.
Sina Judy Caballejo at Iari Yongco ang bumandeÂra sa koponan pero nagtapos lamang ang dalawa sa tig-walong puntos.
Sa third set ay nagkaroon ng tsansa ang Raiders na makakuha ng set nang magkatabla ang dalawang koponan sa 24-all.
Pero bumigay ang depensa sa magkasunod na atake ni Santiago para maÂkuha ang panalo.
May 24 excellent sets si Mary Grace Masangkay para manalo sa tagisan nila ni Rhea Dimaculangan na nmay 11.
- Latest