Thunder isinalba ni Ibaka, Spurs napigil sa tangkang sweep
OKLAHOMA City--Isinuot uli ng may injury na si Serge Ibaka ang uniporme ng Oklahoma City Thunder para tulungan ang koponan na makaisa sa San Antonio Spurs, 106-97, sa Game Three ng Western Conference Finals.
Tumapos ang 6’10 center taglay ang 15 puntos at 7 rebounds at ang makita si Ibaka na sinabing hindi na makakalaro sa season bunga ng left calf strain ay sapat na para mailabas ng Thunder ang bangis ng paglalaro para gawing 2-1 ang best-of-seven series pabor pa sa Spurs.
Si Russell Westbrook ay mayroong 26 puntos, walong rebounds at pitong assists habang si Kevin Durant ay may double-double na 25 puntos at 10 rebounds para sa Thunder na magkakaroon pa ng pagkakataon na maitabla ang serye dahil ang Game Four ay sa kanilang lugar pa rin lalaruin.
“When you talk about a teammate, that’s everything you want in a teammate,†wika ni Thunder forward Kevin Durant. “I gained so much more respect for Serge for sacrificing himself for the team. Regardless of what happened tonight, that’s something you want beside you.â€
Nakatulong si Ibaka para manalo sa rebounding ang Oklahoma sa unang pagkakataon sa serye, 52-36.
Dahil tumibay ang interior defense, napilitan ang Spurs na sa labas kumuha ng puntos bagay na hindi nangyari dahil nasa 40 percent shooting lamang ang kanilang naitala, matapos ang 50% conversion sa Games One at Two sa San Antonio.
Maliban kay Ibaka, ginulat din ni Thunder coach Scott Brooks ang Spurs nang ipasok si Reggie Jackson bilang starter. Tumugon ito sa pagtala ng 15 puntos.
Si Manu Ginobili ay mayroong 23 puntos, pero tatlo lamang ang kanyang naitala sa second half na kung saan lumamang ng hanggang 20 puntos ang Thunder na ikinatuwa ng kanilang home crowd.
- Latest