^

PSN Palaro

Sonsona handa ng rumesbak kay Vazquez

RM Pangilinan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa magandang kon­­disyon na si Marvin Son­sona para sa kanilang re­match ni Puerto Rican Wilfredo Vazquez Jr. sa Hun­yo 7 sa Madison Square Garden sa New York City.

Ang 10-round bout nina Sonsona at Vazquez sa junior featherweight division ay undercard ng labanang Sergio Martinez-Miguel Cotto.

Apat na taon na ang na­karaan nang ang dating WBO super flyweight titlist na si Sonsona (18-1-1, 15 KOs) ay tinalo ni Vazquez (23-3-1, 19 KOs) sa pamamagitan ng knockout sa ikaapat na round para sa WBO super bantamweight.

Ngunit matapos ang pagkatalo, ang 23-taong gulang na kaliwete mula sa General Santos City ay nanalo nang apat na sunod na laban, ang huli ay ang knockout niya kay Akifumi Shimoda sa third round sa Macau noong Pebrero.

Sa kabilang banda, natalo naman si Vazquez kay Jorge Arce noong 2011 at Nonito Donaire Jr. noong 2012. Sa kanyang huling laban noong Setyembre 2013, nanalo siya sa bisa ng unanimous decision laban kay Guillermo Avila.

Ang career break ni Sonsona ay noong 2009 nang talunin niya si Jose Lopez sa unanimous decision para sa WBO junior bantamweight title.

Nasa Maynila nga­yon si Sonsona para sa maigting na pagsasanay sa ilalim ng kanyang trainer na si Jhun Agrabio.

 

vuukle comment

AKIFUMI SHIMODA

GENERAL SANTOS CITY

GUILLERMO AVILA

JHUN AGRABIO

JORGE ARCE

JOSE LOPEZ

MADISON SQUARE GARDEN

SONSONA

VAZQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with