^

PSN Palaro

Lebron ‘di papayag maagawan ng panalo sa homecourt; George lalaro sa Game 3 para tulungan ang Pacers

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Maglalaro si Paul George para sa Indiana Pa­­cers sa Game Three ng Eastern Conference Finals.

Binigyan ng ‘go-signal’ si George na makasama ng Pa­cers matapos matuhod sa ulo ni Dwyane Wade na nangyari sa Game Two na napagwagian ng Heat, 87-83, para itabla ang best-of-seven series sa 1-1.

Mahalaga ang makukuhang panalo para sa Pacers upang mabawi  nila ang homecourt advantage sa serye.

“I don’t know if the home court really matters right now in the playoffs,” wika ni Miami coach Eric Spoelstra. “It’s more about your collective disposition and you’re imposing that identity on the other team. I think either team could win home or away.”

Ang back-to-back champions ay hindi pa natatalo sa limang laro sa home court sa post season pero hindi nakikita ni Pacer coach Frank Vogel ang bagay na ito.

“We played at a high level in the Washington series, and those last two against Atlanta when we were down in the series, we played with great desperation,” tugon ni Vogel.

Noong Martes huling nagtuos ang dalawang koponan at ang ilang araw na pahinga ang tiyak na nagamit ng ko­ponan para mapaghandaan ang Game Three at sa Pacers ay maipahinga ang mga may injuries na key pla-yers tulad ni George.

Desidido naman si LeBron James na gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanilang home court.

“We have to protect our home, but we can’t go out there saying that just because we’re back home we get automatic wins. We’ve got to play,” wika ni James.

Ang Heat ay mayroong 35-7 marka sa home court mula noong dumating si James.

Sa pitong talo na kanilang nalasap, dalawa ay nangga­ling sa Indiana.

vuukle comment

ANG HEAT

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE FINALS

ERIC SPOELSTRA

FRANK VOGEL

GAME THREE

GAME TWO

HOME

INDIANA PA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with