^

PSN Palaro

So piniga ang Spanish GM, lider na sa Capablanca chessfest

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino chess Grandmaster Wesley So si Spanish GM Francisco Vallejo-Pons gamit ang 42-moves Ruy Lopez-Berlin para kunin ang unang puwesto sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera Hotel sa La Havana, Cuba.

Si So ay third seed sa anim na manlalaro na sasa­ilalim sa double-round elimination para madeter­mina ang tatanghaling kam­peon sa kompetisyong iniaalay kay dating Cuban champion Jose Raoul Capablanca.

Naipanalo ni So ang tila tablang laro nang sumuko si Vallejo-Pons dahil na­kaamba na ang mga piyesa ng Filipino GM na kunin ang dalawang magkahiwalay na pawns ng katunggali.

Ang panalo ay nagbigay kay So ng 1.5 puntos matapos ang dalawang rounds at angat siya ng kala­hating puntos kay Cuban GM Lazaro Batista Bruzon, top seed Leinier Domiguez Perez ng Cuba, second seed Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Zoltan Almasi ng Hungary.

Naghati ng puntos sina Bruzon at Ivanchuk bukod kina Almasi at Dominguez-Perez para magsalo sa tig-isang puntos.

Naunang hinarap ni So si Bruzon at nauwi sa tabla ang laban nang napaba­yaan ng 20-anyos Filipino GM ang bentahe sa pawn upang pumayag sa tabla sa larong umabot sa 64 sulong ng Nimzo-Indian opening.

BRUZON

CAPABLANCA MEMORIAL

FRANCISCO VALLEJO-PONS

GRANDMASTER WESLEY SO

HABANA RIVIERA HOTEL

JOSE RAOUL CAPABLANCA

LA HAVANA

LAZARO BATISTA BRUZON

LEINIER DOMIGUEZ PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with