^

PSN Palaro

Sweep sa Road Warriors; Elite lumapit sa outright semis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa endgame para maitakas ang 69-67 panalo sa Café France at makasalo sa ikalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakumpleto ni Reil Cer­vantes ang three-point play para pagningasin ang 10-4 run at umangat ang Elite sa 5-3 karta kasalo ang pahingang Cebuana Lhuillier Gems at Jumbo Plastic Giants.

Naghatid si Cervantes ng 14 puntos habang sina Gio Ciriacruz, Mark Cruz, Kevin Ferrer at Jericho Cruz ay may 17, 10, 10 at 10 puntos.

“We played a lousy game. Mabuti na lamang at naroroon ang mga bete­rano namin,” pahayag ni Isaac na naghahabol pa ng ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals.

Sinayang ng Bakers ang hawak na 63-59 kalamangan para bumaba sa 3-5 karta.

Kailangan nilang manalo sa Giants sa pagtatapos ng elimination sa Martes para manatiling buhay ang tsansa na umabante sa quarterfinals.

Humugot ang NLEX Road Warriors ng 16 puntos kay Jake Pascual, may 15 si Kevin Alas at 10 puntos at 10 boards ang hatid ni Ola Adeogun tungo sa 70-58 panalo sa Big Chill Superchargers sa unang laro.

 Si Alas ang nagpasi­mula sa maalab na pagla­laro ng Road Warriors nang nagtala ito ng 4-of-6  shoo­ting sa first half para bigyan ng 38-29 kalamangan ang koponan tungo sa paglista ng 9-0 sweep sa elims.

Hindi na pinabangon ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang katunggali upang tapusin ng Superchargers ang elimination round sa 4-5 baraha.

Nasa ikalimang puwesto ang Big Chill pero kailangan pa nilang antayin ang resulta ng laro ng ibang nasa babang koponan para malaman kung magpapatuloy pa ang kanilang kampanya sa liga.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GIO CIRIACRUZ

JAKE PASCUAL

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with