^

PSN Palaro

Mepranum tangka ang titulo ni Estrada

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling magtatangka si Filipino super flyweight contender Richie Mepranum ng Sarangani Province na koronahan ang kanyang sarili bilang isang world boxing champion.

Hahamunin ni Mepranum si unified WBA/WBO super flyweight champion Juan Francisco Estrada ng Mexico ngayon sa Centro Convenciones sa Puerto Penasco, Sonora, Mexico.

Sa kanilang weigh-in ay parehong tumimbang sina Estrada (25-2-0, 18 KOs) at Mepranum (27-3-1, 6 KOs) ng 112 pounds.

Ito ang ikalawang title fight ni Mepranum matapos mabigo kay Julio Cesar Miranda via fifth-round TKO sa kanilang WBO flyweight championship bout noong Hunyo 12, 2010.

Gusto namang ibilang ni Estrada si Mepranum sa mga nauna niyang biniktimang Filipino fighters.

Inagaw ni Estrada kay Brian Viloria ang mga hawak nitong WBA/WBO belts noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.

Naipagtanggol niya ito kontra kay mandatory challenger Milan Melindo noong Hulyo 27, 2013 sa Macau.

 

ABRIL

BRIAN VILORIA

CENTRO CONVENCIONES

JUAN FRANCISCO ESTRADA

JULIO CESAR MIRANDA

MACAU

MEPRANUM

MILAN MELINDO

PUERTO PENASCO

RICHIE MEPRANUM

SARANGANI PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with