^

PSN Palaro

Giants nakisosyo sa 2nd place Road Warriors dumiretso sa 5

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang mainit na kamay ng mga shooters ng NLEX Road Warriors para kunin ang ikalimang sunod na panalo sa pamamagitan ng 83-74 panalo sa Cagayan Valley Rising Suns sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

May 22 puntos si Garvo Lanete habang 14 ang ibi­nigay ni Kevin Alas at ang dalawa ay nagtambal sa 23 puntos para ilayo agad ang Road Warriors sa 29-18 matapos ang unang yugto.

Gumana pa ang laro nina Bobby Ray Parks Jr., Ronald Pascual at Jake Pascual sa mga sunod na yugto para hindi na  pa­ba­ngunin pa ng Road Warriors ang katunggali.

Sa ikalawang sunod na laro ni Parks sa NLEX ay tumapos siya bitbit ang all-around game na 11 puntos, 9 rebounds, tig-tatlong assists at steals at dalawang blocks.

Ang kanyang dunk ang nagtulak sa Road Warriors sa 80-62 kalamangan.

Sumalo uli ang Jumbo Plastic Giants sa ikalawang puwesto kasama ang pahingang Cebuana Lhuillier Gems sa pamamagitan ng 73-63 panalo sa Hog’s Breath Cafe Razorbacks habang itinabla ng nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite ang karta sa 2-2 sa 96-93 panalo sa kinapos na Derulo Accelero Oilers sa ibang mga laro.

May limang puntos si Mark Romero sa 9-0 pa­nimulang run ng Giants sa fourth period para tabunan ang 52-56 iskor at umabante sa 61-56.

Si Jeff Viernes ay nagbagsak ng 10 sa kanyang nangungunang 16 puntos sa huling 10 minuto upang hindi na papormahin ang Razorbacks na bumaba sa 1-4 karta.

May 15 puntos si Romero habang 14 puntos at 10 rebounds ang naibigay ni Jan Colina para sa ikatlong sunod na panalo ng Giants matapos simulan ang kampanya sa talo sa kamay ng Gems.

Pinagtulungan nina Allan Mangahas at Mark Cruz ang 20 sa 30 puntos na ginawa ng Elite upang kunin ang 96-93 panalo sa Oilers.

Nakumpleto ni Cruz ang isang four-point play para pagningasin ang 8-2 palitan at bigyan ang Elite ng 89-83 kalamangan.

Nakapanakot pa ang Oilers nang nagpakawala ng tres si Raul Soyod para dumikit sa isa ang koponan, 94-93, pero napituhan siya ng ikaanim at huling foul kay Reil Cervantes tungo sa dalawang free throws at ibalik sa tatlo ang kalama­ngan, 96-93.

Sablay ang panablang tres ni Clark Bautista at ang Oilers ay bumaba pa sa 0-5 karta.

 

ALLAN MANGAHAS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BOBBY RAY PARKS JR.

BREATH CAFE RAZORBACKS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CLARK BAUTISTA

PUNTOS

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with