^

PSN Palaro

Bobcats sinakmal ang playoff ticket

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND -- Nakamit ng Charlotte Bobcats ang kanilang ikalawang playoff seat sa franchise history.

Umiskor si Al Jefferson ng 24 points, kasama rito ang pito sa overtime, para tu­lungan ang Bobcats sa 96-94 paggupo sa Cleveland Cavaliers.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na nakapasok ang Charlotte (39-38) sa playoff sa kanilang 10-year history at unang pagkakataon sapul noong 2010.

Habang nagdiriwang ang Bobcats ay nalagay naman sa panganib ang tsansa ng Cavaliers (31-47) sa playoff  sa kabila ng iniskor na career-high 44 points ni Kyrie Irving.

Ang Cleveland ay nasa ilalim ng eighth-place na Atlanta ng tatlo at kalaha­ting laro sa karera para sa playoff spot sa Eastern Con­ference.

Sa Washington, dinomi­na ng Chicago Bulls ang la­ro mula umpisa hanggang ka­tapusan para kunin ang 96-78 panalo kontra sa Wi­zards.

Ito ang unang panalo ng Chicago sa Washington sa kanilang tatlong beses na paghaharap ngayong sea­son.

 Muling magkikita ang Bulls at ang Wizards sa isang seven-game series sa playoffs.

Umiskor si D.J. Augustin ng 25 points, tampok ang 6-of-11 sa 3-point range.

Humakot si cen­ter Joakim Noah ng 21 points at 12 rebounds.

vuukle comment

AL JEFFERSON

ANG CLEVELAND

CHARLOTTE BOBCATS

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

EASTERN CON

JOAKIM NOAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with