Deklarasyon ni Roach para sa rematch kay Bradley 100% ready na si Manny
LOS ANGELES – Isang linggo bago ang kaÂnilang rematch ni world welÂterweight champion TiÂmothy Bradley, Jr. ay naÂging magaang na ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao.
Anim na rounds lamang ang naging sparÂring ni Pacquiao kahapon at nakatakdang magpahinga ngaÂyong araw para bigyan ng panahon ang kanyang pamilya at kaibigan.
Bukas ay muling sasabak si Pacquiao sa sparring session dito sa Wild Card Boxing Gym ni chief trainer Freddie Roach.
Sinabi ni Roach na tatlo hanggang apat na rounds ang kanilang gagawing sparÂring bago bumiyahe ang Team Pacquiao patuÂngong Las Vegas.
“He’s ready to fight,†wiÂka ni Roach.
Ayon naman sa isang miyembro ng Team Pacquiao, ang tao na tumitiyak sa kondisyon ng Filipino boxer, na ang pagiging 100 percent ay hindi gumagarantiya ng madaling panaÂlo.
“This is not a cakewalk for Manny,†babala ni Justine Fortune, ang nagÂbabalik na strength and conditioning coach ni PacÂquiao.
Si Fortune, isang dating Australian heavyweight conÂtender, ay muling kiÂnuha ni Pacquiao sa kanyang grupo.
Humiwalay si Fortune noÂong 2007 para itayo ang kanÂyang sariling boxing gym sa Sunset Boulevard.
Sinabi ni Fortune na naibalik na ni Pacquiao ang kanyang dating porma at kondisyon para sa kanilang rematch ni Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Manny has good muscle memory. I am just bringing the old training methods,†ani Fortune sa Sarangani Congressman.
Si Fortune ang nagpaÂtikim kay Pacquiao sa Thai sticks, isang masakit na proseso kung saan iniÂÂhahampas ang isang bamÂÂboo stick sa bodega at braso ni Pacquiao.
Ngunit sa kanyang pagbabalik sa Team Pacquiao ay hindi ginamit ni Fortune ang kanyang bamboo sticks.
Sinabi ni Fortune na mahabang panahon ang dapat gugulin para makita ang resulta ng naturang proÂseso sa katawan ng FiÂlipino world eight-division champion.
“You just don’t do it in such a short time span. You need eight to ten weeks and I didn’t have enough time,†ani Fortune.
Sa kabila nito ay naguÂlat pa rin si Fortune sa konÂdisyon ni Pacquiao, haÂngad bawiin kay Bradley ang WBO welterweight crown.
- Latest