Barako Bull niresbakan ang San Mig Coffee
MANILA, Philippines - Bumangon ang Barako Bull mula sa isang 16-point deficit sa third period para talunin ang San Mig Coffee, 92-90, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Napigilan ng Energy CoÂla ang kanilang tatlong suÂnod na kamalasan.
Samantala, bagamat naÂnawagan ang kanilang mga fans na palitan si import Leon Rodgers, paglalaruin pa rin ng BaÂrangay Ginebra ang naÂsaÂbing import.
Hangad na malasap ang kanilang ikalawang suÂnod na kabiguan, sasagupaÂin ng Gin Kings ang Air21 ExÂpress ngayong alas-8 ng gabi sa Big Dome.
Sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon ay target ng Meralco ang kaÂnilang ikalawang dikit na paÂnalo sa pagharap sa Rain or Shine.
Natikman ng Ginebra ang kanilang ikatlong kabiguan matapos yumukod sa Talk ‘N Text, 87-94, noong Linggo kung saan nabigo siÂlang iligtas ni Rodgers.
Sinasabing nilapitan ng Gin Kings si Josh Powell, daÂting naglaro sa NBA para sa Los Angeles Lakers, para paÂlitan si Rodgers.
Ngunit malaki ang suÂweldong hinihingi ng 6-foot-9 na si Powell, naglalaro para sa Guangdong Southern Tigers sa ChiÂnese Basketball Association (CBA).
Si Powell ay miyembro ng dalawang Lakers champion teams.
Barako Bull 92 - Dollard 32, Miller 19, Intal 10, Marcelo 7, Deutchman 6, Pennisi 6, Fortuna 5, Buenafe 5, Wilson 2, LasÂtimosa 0, Peña 0, MiÂranda 0.
San Mig Coffee 90 - Mays 20, Devance 17, SiÂmon 16, Yap 12, Barroca 10, Pingris 8, Melton 3, Sangalang 2, Reavis 2, MalÂlari 0.
Quarterscores: 18-26; 49-47; 62-78; 92-90.
- Latest