^

PSN Palaro

Kang, Liang kampeon sa Mitsubishi netfest

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ni Kang Ku Keon ng Korea ang panggugulat ni Rhett Purcell ng Great Britain upang samahan si Canadian Gloria Liang bilang kampeon sa 25th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships na nata-pos kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang fourth seed na 17-anyos na si Kang ay naging handa sa malalakas na bola ni Purcell tungo sa 6-3, 6-4, panalo sa boys singles.

Halos perfect ang la­rong ipinakita ng 14th seed na si Liang para kalusin ang third seed na si Kimberly Birrell ng  Australia, 6-2, 7-5, sa girls singles.

Hindi naman nasa­yang ang pagsali ni Purcell dahil ang tambalan nila ni Alexander Klintcharov ng New Zealand ay nagbunga nang sila ang kilalanin bilang boys doubles champion matapos ang 7-6 (5), 7-5, panalo kina Lin Wei De at Yang Shao Chi ng Chinese Taipei.

Sina Katie Boulder at Freya Christie ng Great Britain ang nagkampeon sa girls doubles nang iuwi ang 6-4, 6-1, tagumpay kina Natsuho Arakawa ng Japan at Lizette Cabrera ng Australia.

Ang Grade I kompetis-yong ito ay inorganisa ng Philippine Tennis Association (Philta) at may basbas ng International Tennis Federation (ITF).

 

vuukle comment

ALEXANDER KLINTCHAROV

ANG GRADE I

CANADIAN GLORIA LIANG

CHINESE TAIPEI

FREYA CHRISTIE

GREAT BRITAIN

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

KANG KU KEON

KIMBERLY BIRRELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with