^

PSN Palaro

Garcia nag-aalala sa mabagal na paghahanda sa Asian Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si PSC chairman at Chief of Mission sa Asian Games Ricardo Garcia na nag-aalala na siya sa mabagal na pag-usad sa paghahanda ng Pilipinas para sa torneo sa Incheon, Korea.

Sa panayam kay Garcia kahapon, tinuran niya ang pamimilit ng mga National Sports Associations (NSAs) na magpasok ng atletang hindi pasado sa criteria na inilatag ng pinamumunuang Task Force Asian Games ang siyang dahilan kung bakit hindi ma­simulan ang pagsasa­nay.

“I’m a little worried because mabagal, bumabagal ito because the NSAs are trying to squeeze in athletes that I feel should not be there,” wika ni Garcia.

Makakasama ang atleta kung siya ay tumapos sa ikalimang puwesto sa isang Asian level tournament o pumangwalo kung lumahok sa World level competition.

Ngunit may mga NSAs na pinipilit ang ibang atleta na wala pang performance naipasok kahit ang mga marka ay malayo kung ikukumpara sa mga makakaribal na Asian athletes sa Incheon.

May inilaan na ang PSC na P50 milyon para sa pagsasanay ng mga papasang atleta pero hindi pa ito nagagamit dahil sa humahabang negosasyon.

Idinagdag pa niya na may mga NSAs din na hin­di pa pumapayag sa itinutulak nilang pagsasanay sa ibang bansa katulad umano ng PATAFA na may walong atleta na nakapasa at balak bigyan ng pagsasanay sa US.

Samantala, ngayon o bukas nakatakdang talakayin ang problema nina PATAFA coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero na tinanggalan ng sahod ng PSC dahil sa akusasyong nagpapabaya sa trabaho.

Ibinigay na ng 3-man investigating panel sa pa­ngunguna ni POC chairman Tom Carrasco Jr. ang kanilang rekomendasyon kay Garcia kahapon ngunit ang tinutukan lamang ay ang pagpapabaya sa trabaho.

ASIAN GAMES RICARDO GARCIA

CHIEF OF MISSION

GARCIA

INCHEON

JOSEPH SY

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

ROSALINDA HAMERO

TASK FORCE ASIAN GAMES

TOM CARRASCO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with