Pagkakaisa panawagan ni Juico sa PATAFA
MANILA, Philippines - Matapos ang masaganang pananghalian at masinsinang usapan, inaasaÂhang babalik na ang pagkakaisa ng mga coaches at atleta sa PATAFA.
Pinangunahan nina paÂngulong Go Teng Kok at chairman Philip Ella Juico ang luncheon meeting kahapon sa tanggapan ng PATAFA na dinaluhan ng 25 atleta at coaches.
Ginawa ito ng PATAFA officials upang pagsamahin uli bilang isang grupo ang hanay na tila nagkakaÂwaÂtak-watak matapos ang alegasyon kina natioÂnal coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero.
Sina Sy at Hamero ay inalis sa talaan ng mga suÂmasahod sa PSC dahil sa akusasyon na nagpapaÂbaya sa trabaho. Nadiin pa si Sy sa reklamo nang lumabas si Henry Dagmil para patotohanan na wala itong ginagawa bilang kanyang coach mula 2000.
Si Dagmil ay isa sa mga atletang dumalo sa pagÂtitipon.
Naunang nagsalita si Go at tiniyak na walang pakÂsyon siya na kinikilala dahil para sa kanya ay iisa lamang ang PATAFA bagay na sinegunduhan ni Juico.
“Sabi nga ni Mr. Go, walang paksyon dito. Ang mga kalaban natin ay ang Thailand, Vietnam, Malaysia at iba pang Southeast Asian countries at hindi tayo ang magkakaaway dito. Tayo ay isang team,†pagdidiin ni Juico.
“Ang tension sa PATAÂFA ay maaaring ayusin sa mahinahon na usapan. Usapan na makatarungan din o fair. Ang lumalabas ngayon, dalawa ang athleÂtics team ng Pilipinas na hindi dapat mangyari,†paliwanag ni Juico.
Sa halip na mag-away-away, dapat na lamang na ibunton ng mga atleta at coaches ang galit para pagbutihin ang kanilang pagsasanay para maipagpatuloy ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.
“Iisa lamang ang ating layunin. Mayroon tayong kanya-kanyang papel na dapat gampanan at gampanan natin ito ng mabuti,†paalala pa ni Juico.
Humingi naman ng paumanhin si Go dahil ang halos isang taon na pagkawala dahil sa sakit ang siya niyang sinisisi kung bakit nagkaroon ng problema ang asosasyon.
Tiniyak niyang hindi niya kinakampihan si Sy at Hamero pero ginawa laÂmang ang pagdepensa laban sa PSC dahil inakusahan sila ng hindi binibigyan ng due-process.
May inihahanda ng sariling imbestigasyon si Go sa dalawang coaches at kung lumabas na nagkamali sila ay handa niyang bitiwan ang mga ito.
- Latest