Wushu artist sasabak sa World Championship
MANILA, Philippines - Walong panlaban ng Pilipinas sa 2014 World Wushu Junior Championships sa Antalya, Turkey ang sinisipat na makakapasok sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Agosto.
Tumulak na ang Pambansang delegasyon na kinabibilanganan ng 10 manÂlalaro patungong Turkey para lumahok sa 2014 World Wushu Junior Championship na magbubukas bukas.
Ang mga isinama ay sina Aleison Ken OmeÂngan, Faith Liana Andaya, Agatha Chrystenzen Wong, Vanessa Jo Chan, Johnzeth Gajo, Joel CaÂsem, Zereena Redge DumÂÂseng, Dave Degala, Hazel Angela Dalisay at Christian Nicolas Lapitan.
Sa taolu (form) sasabak ang mga ito at sina Omengan at Andaya ng Baguio City ang siyang siÂnasandalan para sa gintong medalya.
Si Omengan ay naghatid ng ginto at pilak noong 2012 habang pilak ang naiuwi ni Andaya sa huling edisyon.
Bukas ang kompetisÂyon sa 18-anyos pababa, si Tansuitong Candelaria, pangulo ng WFP Baguio Chapter, ang siyang inilagay bilang team manager habang ang 1993 World Wushu Championship bronze medalist na si Bobby Co ang iniupong coach.
Ang dating world champion at Beijing Olympics wushu tournament gold medalist na si Willy Wang ay isa sa magiging hurado ng kompetisyon.
Sa unang edisyon ng kompetisyon noong 2006 nailista ng Pilipinas ang pinakamagandang pagtatapos matapos ang isang ginto, tatlong pilak at apat na bronze medals.
- Latest