^

PSN Palaro

Blackwater nagpalakas para sa pagdedepensa ng titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humugot ng tatlong ba­guhan ang Blackwater Sports para pagtibayin ang tangkang pagdepensa sa PBA D-League Foundation Cup title.

Sina Reil Cervantes, Don Trollano at John Pinto ay maglalaro na sa Elite sa Foundation Cup na mag­bubukas sa Marso 24.

Si Cervantes ay da­ting sentro ng Big Chill na puma­ngalawa sa NLEX sa Aspirants Cup habang sina Trollano at Pinto ay sumabak sa Cagayan Valley.

Masidhi ang hangarin ng tropa ni coach Leo Isaac na maidepensa ang titulo para makabawi sa kinapos na kampanya sa Aspirants Cup.

Umabot ng semifinals ang Elite at tinalo ang Big Chill sa Game One pero nabigo sila sa sumunod na dalawang laro sa best-of-three series para maunsiyami ang hangad na ikala­wang sunod na pagtapak sa championship round.

“Mataas ang morale ng team. We look forward to a good conference,” pa­hayag ni Isaac.

Naniniwala rin si Isaac na totodo sa paglalaro ang mga inaasahan lalo pa’t balak ng koponan na sumali sa PBA sa susunod na season.

Sampung koponan ang maglalaban-laban sa Foundation Cup sa pamumuno ng Aspirants Cup titlist NLEX.

Ang Road Warriors ang siyang tinalo ng Elite para sa titulo kaya’t asahan ang pagnanais ng tropa ni coach Boyet  Fernandez na mabawi ito.

Ang iba pang kasali ay ang Big Chill, Cagayan Valley, Café France, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Jumbo Plastic, Hog’s Breath Café at Derulo Accelero.

ANG ROAD WARRIORS

ASPIRANTS CUP

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

FOUNDATION CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with