^

PSN Palaro

Beermen vs Bolts, Kings kontra Energy Cola: 4 pang import masusubukan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipaparada ng Barangay Ginebra ang isa sa inaaba­ngang import para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa pagsagupa sa Barako Bull.

Itatampok ng Gin Kings si 6-foot-7 outside shooter Leon Rodgers sa pagharap sa Energy Cola ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Rodgers ay beterano ng mga liga sa Germany, France at Netherlands kung saan siya ilang beses na hinirang bilang Most Valua­ble Player at napasama sa mga All-Star Games.

Sumabak din si Rod­gers sa Chinese Basketball Association (CBA) para sa koponan ng Jilin Northeast Tigers.

Makakatapat niya sa Barako Bull si Joshua Dollard na ipinalit kay Dwayne Chism.

Sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon ay haharapin ng San Miguel Beer, dating Petron Blaze, ang Meralco.

Ito ang magiging unang laro ni dating assistant Biboy Ravanes bilang head coach kapalit ni Gee Abanilla kasabay ng paglalaro ni Sol Mercado na nakapalitan si Alex Cabagnot sa Globalport.

Ibabandera ng Beermen sina Mercado, import Josh Boone, 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos, 6-foot-10 June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Lutz at bagong hugot na si Rico Maierhofer.

Aasahan naman ng Bolts si dating Northern Illinois University standout Brian Butch, nagposte ng mga collegiate averages na 21.3 points, 8.5 rebounds, 2.2 assists, 0.6 steals at 0.7 blocks.

Sa pagbubukas ng torneo noong Miyerkules ay tinalo ng Air21 ang Globalport, 83-78, at pinayukod ng Talk ‘N Text ang nagdedepensang Alaska, 85-72.

 

ALEX CABAGNOT

ALL-STAR GAMES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BIBOY RAVANES

BRIAN BUTCH

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

CHRIS LUTZ

DWAYNE CHISM

ENERGY COLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with