^

PSN Palaro

Pacquiao pahihirapan muna si Bradley bago pabagsakin

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magugulat si Top Rank CEO Bob Arum kung matupad ang hinahangad na knockout na panalo ni Manny Pacquiao kay WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Mangyayari umano ang knockout hindi dahil si Pacquiao ay isang one-punch knockout artist kundi dahil sa labis na hirap na mararamdaman ni Bradley dala ng bilis at lakas ng mag­kabilang kamao ng katunggali.

Tinuran pa ni Arum, ang  promoter ng dalawang boxers, na hinangaan si Pacquiao nang patulugin sa second round si Ricky Hatton noong 2009. Pero kung susuriin ang istilo ni Pacquiao, hindi siya tunay na knockout puncher.

“People looked at Pacquiao as being a knockout puncher because they remember the fight with Ricky Hatton where he laid Hatton out. But the truth is, Manny Pacquiao’s strength was never as a knockout puncher,” wika ni Arum sa Boxingscene.

“He was the king of guy that is very elusive and comes from all angles, that has the southpaw style that scores punches. And he’s so quick and when you counter him, he disappears,” paliwanag pa ng beteranong promoter.

Inihalimbawa pa ni Arum si Oscar De La Hoya at si Miguel Cotto na mas mala­laking boksingero na natalo sa knockout hindi dahil sa isang suntok ng Pambansang kamao kundi dahil pinalambot muna sila ng pagod ng mga masasakit na suntok hanggang sa hindi na naka­yanan kaya natumba sa laban.

Huling sumabak sa la­­ban si Pacquiao noong Nobyembre laban kay Brandon Rios at bagamat hindi ito natumba sa laban, inamin niyang napagod at naramdaman ang sakit ng mga suntok ni Pacquiao kaya’t natalo sa unanimous decision.

“People who say, ‘Hey, he’s a great knockout puncher because he did knockout (Hatton)’, just are missing the boat,” dagdag pa ni Arum.

Hanap ni Pacquiao ang makapagtala ng kumbinsidong panalo kay Bradley para makabawi matapos ang kontrobersyal na split decision pagkatalo sa unang pagkikita noong 2012 at  para mabawi rin ang hawak na WBO welterweight title na inagaw sa kanya ng Amerikano.

BOB ARUM

BRADLEY

BRANDON RIOS

GRAND ARENA

HATTON

KNOCKOUT

PACQUIAO

RICKY HATTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with