McGee alanganin, si Blatche na lang
MADRID--Si Denver Nuggets center JaVale McGee, dalawang beses na bumisita sa Pilipinas, ang top candidate para maglaro sa Gilas Pilipinas bilang isang naturalized citizen sa FIBA World Cup sa Spain na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.
Ngunit dahil sa kanyang fractured left tibia na nagliÂmita sa kanyang NBA season sa limang laro, si Andray Blatche ng Brooklyn Nets ang maaaring makatuwang ni Marcus Douthit sa kampanya ng Gilas.
Sa ilalim ng FIBA rules, isang naturalized player lamang bawat bansa ang pinapayagang palaruin sa World Cup.
Para sa darating na World Cup, ilang naturalized players ang inaasahang magpapakita ng kanilang talento.
Ang mga ito ay sina Puerto Rico’s John Holland ng Boston University, Croatia’s Dontaye Draper ng College of Charleston, Brazil’s Larry Taylor ng Missouri Western, Spain’s Serge Ibaka ng Congo o Nicola Mirotic ng Montenegro, Ukraine’s Pooh Jeter ng University of Portland, Korea’s Eric Sandrin ng Seattle Pacific, Angola’s Reggie Moore ng Oral Roberts University, Egypt’s Omar Samhan ng St. Mary’s College at Senegal’s Louis Adams ng South Carolina State.
Sinabi kamakalawa ni Gilas coach Chot Reyes na sinabihan niya sina McGee at Blatche na magtungo sa Manila sa Hulyo 1 para simulan ang kanilang pakikipag-ensayo sa Gilas.
Mas maaga namang darating si Douthit.
Sisimulan ni Reyes ang weekly practice tuwing Lunes matapos ang PBA Philippine Cup finals.
Sina McGee, Blatche at Douthit ay isasama sa Gilas’ 24-man lineup para isumite sa FIBA bago ang deadline sa Hunyo 30.
Ayon kay SBP deputy executive director Bernie Atienza, ang deadline para sa pagpapasa ng 24-man lineup ay sa Hulyo 30.
Ang deadline ay nililinaw na sa FIBA.
- Latest